May batas ba ukol sa mga babaeng manggagawa?
Meron. Ang ating Labor Code ay naglalaman ng ilang proteksyon sa mga babaeng manggagawa.
Ano ang proteksyon ng batas sa mga women workers?
Sa ilalim ng Labor Code, maraming proteksyon para sa babaeng manggagawa, kabilang ang mga ito:
- Maari na ngayon magtrabaho ang babae sa gabi (RA 10151 ng 2011).
- Binibigyan ang mga bagong panganak ng maternity leave na 60 araw (kung normal) at 78 araw (kung caesarean ang panganganak).
- Binibigyan ng 10 araw na paid leave ang mga covered ng RA 9262 o Anti Violence Against Women and Children Act upang mag attend ng mga hearings.
- Binibigyan ang kababaihan ng 60 days na paid leave kung sila ay sasailalim sa gynecological surgery (ayon sa Magna Carta of Women).
- Bawal ang diskriminasyon laban sa babae dahil lamang siya ay babae. Kaya nga dapat pantay ang sahod niya sa lalaki kung pareho ang kanilang trabaho.
- Bawal pag-initan o tanggalin ang woman worker dahil lang siya ay kinasal o kaya dahil siya ay buntis o nanganak.
- Malaya ang women workers na mag organisa ng unyon upang pangalagaan ang kanilang karapatan at kapakanan.