Panimula
Ang Family Code o Executive Order No. 227 ay naging batas noong August 3, 1988. Nakapaloob dito ang resulta nang halos 8 taon na pagsusuri at pagsasagawa ng 2 komite sa dating Batasang Pambansa. Naabutan ng Edsa Revolution ang paggawa ng batas na ito, at nilagdaan ito bilang batas ng dating Pangulong Corazon C. Aquino. Maraming pagbabagong dinala ang Family Code sa batas natin sa pamilya at pati na rin sa mga karapatan ng babae bilang bahagi ng pamilya.
Subukan nating palinawin ang ilang mahahalagang probisyon ng Family Code.
Subukan nating palinawin ang ilang mahahalagang probisyon ng Family Code.
Ano ang mga KAILANGAN ng kasal?
Ang mga rekisito ng kasal ay nahahati sa dalawa: ESENSYAL at PORMAL.
Ang ESENSYAL na kailangan ay:
Ang ESENSYAL na kailangan ay:
- Pagsang-ayon (consent) na malayang ibinigay sa harap ng opisyal na nagkakasal.
- Kakayahang ligal (legal capacity) ng ikakasal na dapat isang lalaki at isang babae.
- Awtoridad ng magkakasal.
- Valid na marriage license.
- Isang seremonya kung saan haharap ang mga ikakasal sa opisyal na magkakasal at ang personal na pagtanggap ng isa’t-isa bilang asawa sa harap ng saksi na hindi kukulangin sa dalawang tao na nasa hustong gulang.
Paano kung wala o may depekto sa mga rekisitong nabanggit?
Depende.
- Kung wala ang isa o alinmang ESENSYAL o PORMAL na rekisito --- walang bisa ang kasal.
- Kung may depekto sa alinmang ESENSYAL na rekisito --- may bisa ang kasal ngunit maaaring
ipawalang bisa ito - Kung may iregularidad sa alinmang PORMAL na rekisito --- may bisa pa rin, (walang epekto ito sa bisa ng kasal) subalit maaaring mag
sampa ng kasong kriminal o administratibo laban sa taong gumawa ng irregularidad.
Pepe at Pilar - Kulang sa Edad!
Si Pepe, 19 taong gulang, at si Pilar, 16 taong gulang, ay kapwa pinayagan ng kanilang mga parents na magpakasal. Samantala, secret namang in-love si Lisa kay Pepe. Nang mabalitaan ni Lisa ang plano nina Pepe at Pilar, tinakot niya ang mga ito sa pagsabing hindi maari silang ikasal dahil masyadong bata pa so Pilar. Sabi ni Lisa, kahit matuloy ang kasal, ito ay walang bisa. Tama ba si Lisa?
OO.
Kahit na pinayagan si Pilar ng kanyang mga magulang na magpakasal, kulang pa rin siya sa edad dahil siya ay wala pang 18 taong gulang. Dahil sa kawalan ng esensyal na rekisitong ito, makasal man sina Pepe at Pilar, walang bisa ito.

Allan at Bernadette - Bawal na Pag Ibig
Si Bernadette ay 18 years old at si Allan naman ay 20. Sila ay nagpasyang magpakasal kahit tutol ang kanilang mga magulang. Para sa kanila, walang kinalaman ang away ng kanilang mga magulang sa pagmamahalan nila lalo na at nasa wastong gulang na sila. Naniniwala sila na hindi na maaaring makialam ang mga magulang nila sa kanilang desisyong magpakasal. May bisa ba ang kanilang kasal?
Mayroon. Sila ay may sapat na gulang na upang magpakasal. Ngunit ang kasal nila ay maaaring maipawalang-bisa dahil sa depekto (hindi kawalan) sa isang esensyal na rekisito: ang legal capacity. Ang ikakasal na may edad 18 taon hanggang 21 taon ay nangangailangan ng pahintulot ng kanyang magulang upang magkaroon ng ligal na kapasidad na magpakasal.

Nilo at Maria - Super Secret Marriage
Si Nilo at Maria ay nagpakasal sa huwes. Dahil sa ibig nilang ilihim ito, sila ay nagpakasal ng walang testigo. May bisa ba ang kanilang kasal?
Mayroon. Ang testigo sa kasal ay isa lamang pormal na rekisito. Ang iregularidad sa pormal na rekisito ay walang epekto sa bisa ng kasal.
Mayroon. Ang testigo sa kasal ay isa lamang pormal na rekisito. Ang iregularidad sa pormal na rekisito ay walang epekto sa bisa ng kasal.
Legal Capacity - Ano ito?
Upang magkaroon ng legal capacity ay ang mga partido ay:
1. Hindi dapat babata sa 18 taong gulang at hindi sinuman sa mga ipinagbabawalng batas na ikasal.
2. Kailangan ng pahintulot ng magulang (parental consent) kung sila ay 18 taong gulang pataas ngunit hindi hihigit sa 21 taong gulang.
Mga ipinagbabawal ng batas na magpakasal:

- Parehong kasarian: babae sa kapwa babae o lalaki sa kapwa lalaki.
- Mga magulang at ninuno sa kanilang mga anak at mga apo, maging lehitimo man o hindi.
- Mga magkakapatid,maging buo o kapatid sa ama o sa ina lamang, lehitimo man o hindi.
- Sa pagitan ng magkamag-anak na kolateral, maging lehitimo man o hindi, hanggang sa ika-apat na antas sibil.
- Sa pagitan ng pangalawang asawa at ng anak sa unang asawa.
- Sa pagitan ng biyenan at ng manugang.
- Sa pagitan ng magulang na nag-ampon at ng ampon.
- Sa pagitan ng nabubuhay na asawa ng nagampon at ng ampon.
- Sa pagitan ng nabubuhay na asawa ng ampon at ng nag-ampon.
- Sa pagitan ng ampon na anak at ng lehitimong anak ng nag-ampon.
- Sa pagitan ng mga ampon ng iisang magulang na nagampon.
- Sa pagitan ng mga panig kung saan ang isa sa kanila dahil sa hangaring mapakasalan ang kabilang panig, ay pinatay ang asawa nito o ang kanyang sariling asawa.
Sino ang may awtoridad magkasal?
Check for authority to solemnize marriages.
1. Sinumang kasalukuyang miyembro ng hukuman sa loob ng distritong kanyang pinaglilingkuran.
2. Sinumang pari, rabi, imam, o ministro ng alinmang simbahan o sektang relihiyoso na pinagkalooban ng kapangyarihang magkasal ng kanyang simbahan o sekto at nakarehistro sa Civil Registrar, basta’t isa sa ikakasal ay kabilang sa simbahan o sekto ng magkakasal.
3. Sinumang consul-general, consul o vice-consul ng Pilipinas habang nasa ibang bansa, kung ang mga ikakasal ay mamamayang Pilipino.
4. Sa mga di-pangkaraniwang pangyayari, ang kapitan ng barko, piloto ng eroplano, o kumander ng military.
5. Ang mga mayor ayon sa 1991 Local Government Code.
TANDAAN: Ang ‘acting mayor’ ay walang awtoridad na magkasal.