Anong proteksyon ang maaaring hingin ng babaeng nakakaranas ng karahasan?
Sa ilalim ng RA 9262 (2004), maaring humingi ng protection order upang itigil ang karahasang nararanasan ng babae o kaniyang anak. Dagdag dito, marami pang maaring makuha sa pamamagitan ng protection order kasama ang sustento, pagpapalayo sa nananakit, at iba pa.
Saan makakakuha ng protection order?
Maaring makakuha sa mga Korte gaya ng Regional Trial Court o Municipal Trial Court kung saan nakatira ang nais humiling.
Maari ring kumuha sa Barangay ng Barangay Protection Order o BPO. Ito ay may bisa sa loob lamang ng barangay at hanggang 15 araw lamang. May dagdag pang impormasyon ukol sa BPO sa ibaba.

Sino ang maaring humiling ng protection order?
Marami ang maaring tulumong sa babaeng nakakaranas ng violence against women o VAW. Ang mga sumusunod ay maaring humiling ng protection order:
A. ang nakakaranas ng karahasan;
B. mga magulang o tagapangalaga ng nakaranas ng karahasan;
C. ninuno, inapo, o kamag-anak hanggang sa ikaapat na antas-sibil (sa dugo o sa kasal);
D. mga opisyal o social worker ng DSWD o ng mga LGU;
E. mga pulis, lalo na ang mga nakatalaga sa mga women’s at children’s desk;
F. punong barangay o barangay kagawad;
G. abugado, tagapayo, therapist o healthcare provider ng nakaranas ng karahasan; o
H. dalawa o higit pang responsable at nagmamalasakit na mamamayan sa lungsod o munisipyo kung saan nangyari ang karahasan, na mayroong personal na kaalaman ukol sa nangyaring krimen.

Barangay Protection Order - Ano ito?
Ayon sa RA No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, ang barangay ay maaaring mag-isyu ng barangay protection order o BPO. Ito ay may bisa sa loob ng 15 araw - ngunit hindi ipinagbabawal ang pag renew dito. May bisa lang ang BPO sa loob ng barangay kung saan ito inisyu.
Ang barangay protection order o BPO ay isang utos galing sa barangay na naglalayong pigilan ang patuloy na karahasan o banta ng karahasan laban sa isang babae at/o sa kanyang anak. Libre ito at walang halaga o pera ang kailangan upang makakuha ng BPO.
Sa pamamagitan ng isang BPO, mapagbabawalan ang taong nanakit o nagtangkang manakit na ipagpatuloy ang kanyang karahasan. Pagbabawalan din siyang i-harass, inisin, tawagan sa telepono o kausapin sa anumang paraan – direkta man o hindi – ang babae o batang victim-survivor.
TANDAAN: Hindi maaaring hikayatin na makipagkasundo ang victim-survivor sa taong nanakit sa kanya. Ipinagbabawal ng batas ang anumang pakikipagkasundo sa mga kaso ukol sa karahasan sa kababaihan at kabataan.
Dahil sa halagang ibinibigay ng batas sa BPO, maaaring ipagpaliban ang iba pang gawain ng barangay upang bigyang-priority ang isang aplikasyon para sa BPO.

Anong uri ng karahasan ang maaaring pigilan ng isang BPO?
Gaya ng nasaad sa itaas, maaaring pigilan ng isang BPO ang anumang aktwal o bantang pisikal na karahasan.
Dapat din nating tandaan na saklaw ng RA 9262 ang iba pang uri ng karahasan – sekswal, sikolohikal, at pang-ekonomiya o pinansyal. Bagamat labas ang mga ito sa bisa ng BPO, may tungkulin ang mga opisyal ng barangay na tumulong sa biktima ng anumang uri ng karahasan, pisikal man o hindi.

Saan maaaring makuha ang BPO?
Ang aplikasyon para sa BPO ay dapat ihain sa barangay kung saan nakatira o matatagpuan ang aplikante. Kabilang dito ang pansamantalang tinutuluyan ng aplikante, o ang lugar na kanyang pinuntahan upang umiwas sa karahasan.
Ito ay dapat ihain sa punong barangay, o kung wala ang punong barangay, sa sinumang kagawad na matatagpuan. Kung kagawad ang nag-isyu ng BPO, dapat siyang maglagay sa mismong order ng pasabi na wala ang punong barangay, kung kaya’t siya na ang nag-isyu nito.

Kailangan bang sabihan o dinggin ang respondent o taong gumawa ng karahasan bago mag-isyu ng BPO?
Hindi. Ang BPO ay maaaring igawad ex parte, o base lamang sa reklamo ng aplikante.
Ano ang tamang anyo at porma ng aplikasyon para sa BPO?
Ang aplikasyon para sa BPO ay dapat:
1. nakasulat;
2. may lagda ng aplikante;
3. nasa wikang nauunawaan ng aplikante;
4. pinatunayan ng punong barangay o kagawad na may jurisdiction sa aplikasyon;
Dapat isaad sa BPO ang mga sumusunod:
1. ang huling alam na tirahan ng akusado o respondent;
2. petsa at oras ng pag-isyu;
3. mga hinihiling na proteksyon.
Sa paghanda ng aplikasyon, maaring tumulong ang sinuman, kasama na ang mga opisyal ng barangay. Sa katunayan, tungkulin ng mga opisyal ng barangay na tulungan ang aplikante sa pagbuo ng aplikasyon.

May iba pa bang magagawa ang mga opisyal ng barangay ukol sa karahasan sa kababaihan at kabataan?
Marami pa. Ayon sa batas, tungkulin din ng mga opisyal ng barangay ang mga sumusunod:
1. Magpatupad ng lahat ng uri ng protection orders;
2. Agarang tumugon sa hiling na tulong ng mga biktima ng karahasan;
3. Kunin ang mga deadly weapon na makikitang taglay ng akusado o respondent;
4. Arestuhin ang pinaghihinalaang nananakit kahit pa walang warrant of arrest kung mahuli niya itong ginagawa ang karahasan, kung may personal siyang kaalaman ukol sa pananakit, o kung may panganib sa buhay ng biktima;
5. Samahan ang babae o bata sa pagkuha ng mga kagamitan mula sa kanyang tirahan; at
6. Tulungan ang iba pang opisyal ng barangay sa pagtulong sa mga biktima ng karahasan.

Q: Paano mag-apply ng TPO (Temporary Protection Order)?
A: Mag-file ng isang nakasulat, pirmado, at sinumpaang application para sa protection order. Maaari itong i-file bilang hiwalay na kaso o kalakip na remedyo sa kahit anong sibil o kriminal na kaso kung saan isyu ang karahasan na inilalarawan sa ilalim ng batas na ito, halimbawa ay legal separation.
Q: Kung ang nag-aapply ng protection order ay hindi ang biktima, ano ang kinakailangan?
A: Affidavit ng aplikante na nagpapatotoo sa
1. Salaysay ng karahasan na pinagdaanan ng biktima
Patotoo ng pagsang-ayon o di pagsang-ayon ng biktima sa pag-a--apply para sa protection order

Q: Saan maaaring mag-file ng petisyon para sa TPO/PPO?
A: Ang Petition para sa TPO/PPO ay kasong sibil na maaaring isampa sa itinakdang Family Court o Regional Trial Court sa lugar kung saan nakatira ang biktima o di kaya’y pansamantalang namamalagi. Kung walang RTC ay maari rin itong ilagak sa MeTC, MTC, MCTC o MTCC na may sakop sa tirahan ng biktima. Maaari itong gawin kahit walang abogado at maaari ring gawin ng libre kung walang kakayahang magbayad ang nagsasampa ng kaso.
Maaari itong ibigay ng korte sa araw ng pag-file ng application kung totoong may pangangailangan ayon sa petisyon. Ito ay may bisang 30 araw at maaaring ma-renew.
Ang PPO naman ay ipinagkakaloob ng korte pagtapos ng abiso at pagdinig, may bisa saan man sa Pilipimas at hangga’t hindi binabawi ng korte.

Q: Anu-ano ang mga tulong o remedyo na maaaring ibigay sa biktima sa pamamagitan ng PPO?
Ang mga sumusunod ang maaring tulong ng PPO:
1. Pagbabawal sa respondent na gawin muli ang anumang akto ng karahasan laban sa petisyoner at sa kanyang mga anak
2. Pagbabawal sa respondent na guluhin, takutin, tawagan o makipag-ugnayan sa respondent nang labag sa batas
1. Pagtanggal sa respondent sa pamamahay ng petisyoner, sinuman ang may-ari ng bahay, pansamantala man o permanente
2. Utusan ang respondent na layuan ang petisyoner at ang kanyang pamilya, bahay, paaralan, lugar ng trabaho, o kahit anong lugar na madalas pinupuntahan ng petisyoner at ng kanyang pamilya.
3. Pagbibigay sa petisyoner ng gamit ng sasakyan at iba pang kailangang kagamitan, sinuman ang may-ari, at pag-direkta sa tamang ahensya na nagpapatupad ng batas na samahan ang petisyoner para siguraduhin na makuha niya ang sasakyan at ibang kagamitan.
4. Pagbibigay ng panandalian o permanenteng pangangalaga ng mga anak sa petisyoner
5. Pagdirekta sa respondent na suportahan ang petisyoner at kanyang anak. Maaaring iutos ng korte na parte ng sweldo ng respondent ay regular na ibigay sa petisyoner.
6. Pagbabawal sa respondent sa paggamit o paghawak ng kahit anong nakakamatay na sandata, at pag-uutos sa kanya na isuko ang mga sandatang sa korte.
7. Pagbabayad ng respondent sa pinsalang dulot ng karahasan, kasama ang pagkasira sa mga ari-arian, gastusing medikal, gastusin sa pag-alaga ng bata, at kawalan ng sweldo
Pagdirekta sa DSWD o iba pang ahensya na bigyan ang petisyoner ng anumang tulong na kailangan niya

Q: Ano ang "Battered Woman Syndrome?"
A: Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng mga sikolohikal na sintomas na nakikita sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso at may medikal o siyentipikong patunay, na kadalasa’y sanhi ng matagal na kasaysayan ng karahasang dinaranas ng isang biktima sa loob ng mapang-abusong relasyon.